Microsoft’s new free Anti-Virus Revealed

Eto na yung pinakahihintay ko mula noong nagsawa ako sa kanilang huling AntiVirus na napaka boring at walang madetect na Windows Live OneCare.

Ang tawag na ngayon nila dito ay “Microsoft Security Essentials” A.K.A Microsoft Morro. Hindi tulad nung OneCare, ito ay magiging libre para sa lahat. Pero sa ngayon, nasa testing stage palang sila at puro mga employado palang ng Microsoft nakaka-test nito.

May nagleak naman kahit papaano na Installer nito at mga screenshots sa http://www.jcxp.net/forums/index.php?s=&showtopic=35080&view=findpost&p=392154 at mukhang Windows Defender siya sa unang tingin na may nakakalokang kastilyong logo :D

May nakapagtest ng kanyang performance at hindi naman siya mabigat sa memory except sa Hard Disk space. Nandito ang resulta ng kanyang test: http://www.jcxp.net/news.php?newsid=2804

Pag naging final na ang release nila dito – mga katapusan pa daw nitong taon – bale isa ako sa mga unang susubok at magbibigay-review dito.

2 Tugon tungo sa “Microsoft’s new free Anti-Virus Revealed”

  1. Si nadine ay nagsabing:

    wow nice. kaso, free kaya ito forever ? XD


Mag-iwan ng Tugon