Oops…!

Kanina lang, bubuksan ko sana ang admin ng isang site ko sa labas na icarus.site90.com pero ito ang lumitaw:

image

Which means either may nagbura o binura. Isa lang ang gagawin ko para malaman kung ano talaga nangyari: puntahan ko yang www.000webhost.com na yan at mag-login sa account ko, PERO:

image 

HINDIHINDIHINDIHINDIHINDIHINDIHINDIHINDIHINDIHINDI!!!!!!!

NOO!!!!

Gets mo? kung hindi naman isipin mo nireformat(binura lahat ng files) ang PC mo ng walang backup!!

Hindi mo pa gets? isipin mo lahat ng kanta sa iPod mo nacorrupt!!

Hindi mo pa rin gets!?? Isipin mo nalang nasunog lahat ng paperworks mo both sa iskul at sa office!!! waa!!

 

Pero bakit nga pala nila ginawa yun sa akin??? Tinignan ko yung TOS nila…AT so far mukhang hindi ko naman siya direktang nilalabag maliban sa mga linyang ito:

000Webhost membership will be revoked if any of the following activities occur:

• Hate, Bigotry, and/or Intolerance – Wala naman
• Warez or Software Piracy related – May software ako dun pero GAWA KO SIYA kaya hindi related sya dito
• Music Piracy Related – Wala akong music dun
• Hacking Related– Wala naman ahh..meron akong codes dun pero C++ for students & beginners lang sila – except dun sa isang article ko na “how to rename ur IE titlebar”
• Making available copyrighted software which has been “cracked” (e.g., copyright protection for the software has been removed)– May software ako dun pero GAWA KO SIYA kaya hindi related sya dito!
• Making available serial numbers for software which can be used to illegally validate or register software. – Wala po

• Making available tools which can be used for no purpose other than “cracking” software. – Wala naman po
• Spamming to promote your website – Wala naman po
• Anything related to illegal activity – Wala naman po

Hayun!! iyak na ako! heheh!

Sadyang tinanggap ko na ang munting site na iyun at mamimis ko siya ng lubusan::huhu!

Kaya gumawa nalang ako ng bago – naghanap ako ng bagong malilipatan at magsimula ulit lahat mula sa scratch – ang hirap nun huh!

pero pagdating sa paguupdate madali na siya kasi wordpress-based siya.

FINALE: Gulak nalang kay Icarus II hehe

PAHABOL: Ang HIRAP maghanap ng libreng Webhosting na may ganito para gumana WordPress offsite: PHP, SQL, Fantastico & GB+ bandwidth. Wala pa akong pera sa net eh.

Ipinaskil sa WebLog ni Yavin . Mga Marka: , , . 1 Puna »

Isang Tugon tungo sa “Oops…!”

  1. Si jason ay nagsabing:

    sayang naman yung nabura.

    marami nang ala-ala yun

    condolence….


Mag-iwan ng Tugon