Ito daw ang ipapalit ng Intel Corporation sa kanilang mga Intel Core 2
na CPU’s sa pagdating ng panahon. Ang Intel Core i7 ay siyang pinakabagong consumer class na 64-bit Quad-Core CPU na gumagamit ng napakahi-tech na Intel Nehalem microarchitechture(Lupet naman!!) Itong mga chips na ito ay gagamit din ng simultaneous na multithreading (kung baga sa atin ay super doble-doble ang iniisip ng hindi natataranta)
Ayon daw sa kanila (sa Intel) ito daw ay ipapalabas o irerelease sa bandang katapusan ng taong 2008. Yun nga lang, baka abutin ng mga $800-900 ang presyo niya.
Eh gaano naman daw kabilis ito???
Idinaan nila sa isang 3DMark Vantage Benchmark ang isang 2.93GHZ na Core i7 at umabot sa marka na 17,966[link] samantalang ang isang 2.4GHZ Core 2 Duo ay umabot lang sa 4,300[link] ang iskor niya sa benchmark!!!!!
Astig naman yan!!! napakaLightSpeed na kasi ang panahon natin ngayon eh…


















Agosto 30, 2008 bandang 1:21 umaga
[...] of the new Intel Core i7 Processor by the end of the [...]
–bakit dito napapadpad ang mga pingbacks????