Sabi ng founder ng ating wordpress na si Matt Mullenwig sa The Start Conference, magkakaroon daw ng Social Network tayo dito bago magtapos ang taon! BuddyPress daw yung tawag dito. Binase siya sa multi-user version ng WordPress, pero itong BuddyPress ay may mga features na katulad sa isang friendster/myspace/multiply: friends, profiles at mga photo galleries na walang hangganan.
Una itong inanounce noong Marso ni Mullenwig. At si Andy Peatling ang gumawa nito.
Kung gusto niyong matry itong BuddyPress, pwede kayong magdownload ng pinaka-latest na development version. Curious pa kayo? Tignan niyo yung roadmap at kalendaryo niya.
AND in other news…
Para sa mga mahilig magdownload ng mga files mula sa torrent, may uTorrent v1.8 na! Gumagastos lang daw ito ng maliit na memory at CPU. Marami ding itong mga bugs na inayos at mga bagay-bagay na inimprove pa nila. Merong siyang IPv6 na built-in na para mas mabuti yung performance at connectivity. Mas maayos din yung Windows Firewall Registration nito sa Vista para mabilis siyang maexempt sa firewall.
Para nga pala sa mga hindi pa alam at mga walang kamalay-malay kung ano itong uTorrent na ito, ito ang software na gagamitin niyo para makadownload ka ng mga naglalakihang mga files (30MB-2GB+) kasama na dito yung mga movies, albums, games at iba pang medyo pirated na bagay.
AND familiar ba Kayo sa Windows 7
Ito daw ang susunod na version ng Windows pagkatapos ng paghahari ng Vista sa susunod na 2-3 taon. Ang bilis naman noh!
Una ko itong nabalitaan sa wikipedia noong nagsusurf ako sa history ng Windows. Noong una hindi ko siya pinansin, pero nang may nakikita akong mga deviations sa deviantart, unting-unti na akong nainteresado dito. Tinawag ito ng microsoft na Windows codename ‘Seven’ at may extra pang nickname pa na ‘Vienna’. Wala pa akong nakikita na mga special features nito kasi medyo secretive sila.
Yung mga fans naman ng Windows 7 (isa na ako dun) sa deviantART ay nagiisip na ng mga concept ideas kung ano kaya yung mga bagong bagay na ilalagay dito. Kasama na dito ang posibleng bagong logo nito, ‘docks’, wallpaper, at maging ang bagong user interface nito.
Actually, may ginawa nga akong 2 Concept logo sa yavinfour.deviantart.com ko. Try niyo siya at magcomment na rin kayo kung ok lang o maganda.
Kung gusto niyong makita ang mga concept designs na ginawa ng mga fans sa deviantart, itype niyo lang ang ‘Windows 7’ o ‘Windows Vienna’ o Windows se7en’ sa seaarch box nito at lilitaw sa yun sa inyo!
<-Windows 7 Concept Dock from FediaFedia
Check niyo yung windows7news.com para sa medyo official na balita.
And in private news…
medyo very busy ako these days kay subaybayan niyo nalang ako sa twitter ko –> http://twitter.com/anjelo
ciao!

















