Google Knol, May kalaban na ang Wikipedia!!

Nabalitaan ko lang na may bagong gimik nanaman ang Google. Napaka unique as usual ang tawag nila dito – ‘Knol’. Ito daw ay isang ‘user generated’ na encyclopedia. In short, kalaban ng wikipedia. Diba ilang taon na rin walang user generated encyclopedia website except wikipedia. Pero ngayon, this end of July lang, meron na rin naglakas loob na kumalaban dito. Ayun!

image

Yung pagkakaiba lang dito eh pwede ka daw kumita kapag may nilagay ka na mga ads sa mga article mo. Yung kita mashashare din sa Google. Sa Knol, kailangan magpakilala yung mga authors para alam talaga na credible yung mga articles di tulad sa wikipedia na kung sinu-sinong nilalang yung mga ngcocontribute.

Mahihirapan lang na kalabanin ng Google Knol ang Wikipedia kasi may 8m articles na yung wikipeds.

Ang tanong..magiging effective at successful kaya ito??

In other news… ang Internet Explorer 8 beta 2 ay ilalabas na sa susunod na buwan..

Ito ang version ng IE na sinusubukang kalabanin ang FireFox3. Well, gumagana siya sa PC ko, may konting errors lang, medyo mabilis magload ang mga website PERO ang program mismo ang nagbabagal. Medyo may pagka-legacy na itong PC ko eh.. Kaya sana naman! iimprove nila ito lalo na sa compatibility nito sa mga legacy systems(umang PC).

ciao!

2 Tugon tungo sa “Google Knol, May kalaban na ang Wikipedia!!”

  1. Si eloiski ay nagsabing:

    huwaw!
    maganda yan!

    pera pera peraaaaaaaa!!!

  2. Si kengkay ay nagsabing:

    interesting! am sure kapag may chance na kumita, mas maraming lalahok dyan. baka abutin rin ang 8m articles ng wiki


Mag-iwan ng Tugon