Nabalitaan ko lang na may bagong gimik nanaman ang Google. Napaka unique as usual ang tawag nila dito – ‘Knol’. Ito daw ay isang ‘user generated’ na encyclopedia. In short, kalaban ng wikipedia. Diba ilang taon na rin walang user generated encyclopedia website except wikipedia. Pero ngayon, this end of July lang, meron na rin naglakas loob na kumalaban dito. Ayun!
Yung pagkakaiba lang dito eh pwede ka daw kumita kapag may nilagay ka na mga ads sa mga article mo. Yung kita mashashare din sa Google. Sa Knol, kailangan magpakilala yung mga authors para alam talaga na credible yung mga articles di tulad sa wikipedia na kung sinu-sinong nilalang yung mga ngcocontribute.
Mahihirapan lang na kalabanin ng Google Knol ang Wikipedia kasi may 8m articles na yung wikipeds.
Ang tanong..magiging effective at successful kaya ito??

















