The “Mojave Experiment”

image

May bagong gimik din ang Microsoft ngayon! Meron silang ginawang experiment na kung saan makikita kung maganda talaga yung Vista nila. Iniba nila ang pangalan at ginawang ‘Mojave’ tapos kunyari daw bagong OS ng Microsoft. Bukas pa natin ata malalaman kung ano talaga ang nangyari.

Sabi sa www.wired.com na naimpress at nagustuhan daw nila yung ‘Mojave’. Pero yun nga lang hindi nila alam na vista-in-disguise lang pala yun! :D

Yung pic sa taas galing yan sa www.mojaveexperiment.com

Google Knol, May kalaban na ang Wikipedia!!

Nabalitaan ko lang na may bagong gimik nanaman ang Google. Napaka unique as usual ang tawag nila dito – ‘Knol’. Ito daw ay isang ‘user generated’ na encyclopedia. In short, kalaban ng wikipedia. Diba ilang taon na rin walang user generated encyclopedia website except wikipedia. Pero ngayon, this end of July lang, meron na rin naglakas loob na kumalaban dito. Ayun!

image

Yung pagkakaiba lang dito eh pwede ka daw kumita kapag may nilagay ka na mga ads sa mga article mo. Yung kita mashashare din sa Google. Sa Knol, kailangan magpakilala yung mga authors para alam talaga na credible yung mga articles di tulad sa wikipedia na kung sinu-sinong nilalang yung mga ngcocontribute.

Mahihirapan lang na kalabanin ng Google Knol ang Wikipedia kasi may 8m articles na yung wikipeds.

Ang tanong..magiging effective at successful kaya ito??

Basahin ang karugtong nitong lahok »

iPhone 3G at iba pang kilabot na updates

Kahapon, July 11, 2008, na-release na ng Apple Inc ang kanilang dakila at kakilakilabot na iPhone na 3G version. Akalain mo un! Kahapon na pala narelease yun! Ang bilis!

At eto yung mga pwede mong gawin sa iPhone 3G:

  • 3g communication, siyempre!!
  • GPS – para hindi kana maligaw
  • 10 oras na 2G chikahan, 5 oras sa 3G telebabad :) , 6 na oras na WiFi Internet Surf, 7 oras na movie marathon ;) , pwede din siyang umabot ng 24 oras sa pakikinig ng music. Kung hindi mo siya madalas ginagamit, pwedeng hanggang 300 oras siyang nabukas na nakatiwangwang sa sala niyo
  • 8-16GB storage

iphone pero hindi yan ung 3G version -iphone pero hindi yan ung 3G version

Pinagkakaguluhan kaya ito sa ibang bansa. Pero sa atin, as of now, hindi ko nabalitaan na narelease na pala yun!

May bago ang Google!

image

Ang tawag dito, Lively, isa itong 3d na virtual social networking service. Parang siyang Sims, pwede kang gumawa ng sarili mong fully customized na bahay, may trabaho at iba pa.

Yung maganda dito, merong siyang live chat!! Tapos diba sa Sims may TV, dito, pwede daw kayong makanuod ng YouTube sa mga TV dun!! Lupet niya!! Gets niyo yung concept? Parang Sims+Friendster+Yahoo Messenger AAHHHUUOO!!

Basta kaya ng PC mo yung specs niya ha kasi 3d eh. Hindi ko pa siya na tratry kasi medyo notime ako.

Winamp 5.54 meron na!

Para dun sa mga fans ng Winamp (yung kalaban ng Windows Media Player saka iTunes?) Meron nang bagong version ang Winamp at ito ay 5.54. As usual, madalas may bug fixes ito at medyo pinatino nila ang bagong default skin nito na ‘Bento’ ang Codename.

AND for my personal life et cetera, it will be at my next post to be posted at this very same day if possible. Basta sa susunod na post ka na yung iba baka mamayang hapon o gabi o bukas ng ganitong oras ulit. :)

lov d word ‘ciao!’