Intro muna tayo:Ang Windows Live Writer ay isang program na babagay sayo kung ikaw ay isang blogger. Puwede kang gumawa ng post mula dito offline at ipost mo mamaya kapag online ka na. Madali lang talaga siya gamitin. Madadownload mo siya dito sa http://writer.live.com
Nung June 3, nagrelease sila ng bagong version/update sa Windows Live Writer. Hindi pa ito available sa link na inilagay ko kanina sa taas kasi technical preview pa lang daw ito, in short, beta version.
At proud na proud akong iprepresent sa inyo ang mga bagong features nito.
Improved ang kanyang Category Control

Nilagyan na ng mga tabs para sa mas madaling viewing

Pwede ka na rin magcrop mula dito
Mas maraming options sa borders

May word count na rin

Puwede kang magembed ng video at ngayon mag upload na sa MSN Soapbox
At ang iba pang features na nilagay nila:
- Support for LightBox and other image previewing effects (like Slimbox, Smoothbox, and others)
- Support for centering images
- Auto Linking
- Smart quotes/typographic characters
- Revised main toolbar
Kung gusto mong matry itong Technical Preview ng Windows Live Writer puntahan lang mo ang official blog nila dito link
Kung ikaw ay curious sa system requirements nito eto lang yun:
- Kung bagong bili ang PC/Laptop mo, pasado ka na basta may .NET framework lang ito. (kung wala hanapin mo lang yun sa Microsoft Download Center,sa Vista meron na nito)
- Kung kuripot ka o kaya luma PC mo, pero ito ay may at least 128mb RAM at 800mhz CPU, tatakbo na siya ng maayos.
- Hindi siya gagana sa Win98-ME-2K-XPSP1-Linux & Mac
- 4.6 megs lang ang download nito.

















