Familiar ba kayo sa Whoislike.it??

Kung naghahanap kayo ng mga magkakatulad na websites, o kaya naghahanap ka ng mga websites na katulad sa iyo, ito ang site nababagay.

I-type mo lang ang website na gusto mong hanapan ng mga katulad at ididisplay niya ang mga resulta sa pamamagitan ng mga screenshots. Mabilis nga magload ang mga screenshots kahit sa dial-up lang.

Nasa beta version palang ito kaya hindi pa ganun kaacurate ang mga resulta. Tinry ko nga yung url ko at walang lumabas na resulta eh. Epektib lang ito sa mga sikat na websites. Tinry ko yung kay lucifiar: ang daming lumabas. Hindi naman masama kung itry niyo lang kahit minsan para malaman niyo kung ano yung mga related sa site niyo. http://whoislike.it

image

Kung ayaw mo dito, puwede mo rin i-try yung http://similicio.us . Eto, kapareho lang ng whoislike.it pero mas simple naman at halos walang kapicturepicture.

image

Kayo na ang bahala kung saan dito yung mas maganda.