Photoshop CS4: Available sa Windows lang
Ang bagong version ng Photoshop Creative Suite (CS) ay magiging 64 bit. Ibig sabihin nito, ang system ay maglalaan ng mas madaming memory sa Photoshop kaysa sa ibang programs para maiwasan na mag-hang at siyempre mas mabilis ito. Mahalaga ito lalo na pag nag-eedit ka ng mga naglalakihang mga litrato sabay sangkatutak pa ang mga layers at filters na nakaaplay dito.
Yun nga lang, pag Mac ang ginagamit mo, 32 bit lang ang architecture ng version ng CS4 para sa Mac. Yung problema kasi dito sa mac ay yung ginagamit na programming interface ng photoshop ay ‘Carbon’. Hindi pa kasi ginawang 64 bits ng Apple Inc. ang Carbon nito kasi concentrated sila sa isang bagong interface codename ‘cocoa’. Ang Adobe Photoshop CS4 na 64bit ay ilalabas nalang sa mga susunod na version nito.
Mas madami actually ang gumagamit ng Photoshop sa Mac kaysa sa Windows.
Photoshop Express beta – Photoshop directly mula sa Internet
Kung wala kang mahanap na installer ng Photoshop o kaya hindi ka makabili ng installer o kaya lagi kang on-the-go na kung saan saan PC ka nakikigamit, itong Adobe Photoshop Express ay malamang, bagay sayo. Hindi mo na kailangan mag-install. Mag-log-in ka lang at puwede ka nang mag-edit nice and easy.
Madali lang siya gamitin sa totoo lang. Meron pa nga siyang integration para sa Facebook, Flickr, Photobucket at Picasa. E di ayus, puwede mo din mai-edit yung mga pics mo dyan online. Eto pa yung isang maganda: may 3GB space kapa at personal sharing URL. Eto nga yung sa akin eh: anjelo.photoshop.com. Hindi ko pa natra-try kung puwede niyang maopen ang isang .psd file. Try niyo siya ha. eto yung link: www.photoshop.com/express
Well, beta version pa lang siya



















Hunyo 1, 2008 bandang 11:43 hapon
uy salamat sa tip. ahaha. itatry ko yan one of these days. sana carry nia na si psd para di nako mahihirapan pag wala sa bahay.
Hunyo 2, 2008 bandang 12:18 umaga
I have PS 7.0 here in my laptop. Am I a loser? Haha. The CS Series are memory hugger kasi eh
I do have a 2GB DDR2 memory naman pero feel ko mabagal pa rin. Hehe.
Oh my, I am sure I would enjoy your blog.
Linked you too!