Pwede pala yun: Firefox profiles

Ang isang profile sa Firefox ay naglalaman ng iyong mga settings, passwords at maging mga plug-ins nito. Magagamit mo ito sa mga maraming bagay. Isa na dito ang paggamit ng iba’t ibang settings, passwords sa friendster, at plug-ins. Parang yung profiles sa cellphone.

Ang problema nga lang eh yung kung paano makagawa at magmanage ng mga profiles na yun.

Buti na lang nahanap ko itong topic na ito kay jeet.

At eto na ang mga steps kung pano makagawa ng mga profiles sa FireFox:

  1. iClose mo yung Firefox
  2. punta ka sa Run sa Start Menu at itype mo ito: firefox.exe -p
  3. Tapos lilitaw ang Profile manager Window na kung saan pwede ka nang makagawa ng profile para sa Firefox nice and easy.

Kung may problema ang Firefox sa mga plug-ins, imbis na ireinstall mo siya ay pwede ka nalang gumamit ng ibang profile sa pamamagitan nito. Kaya ayus diba?

Technorati tags: ,

Mag-iwan ng Tugon