Ang del.icio.us ay isang social bookmarking website (at isa ring paraan)na kung saan pwede mong itago, ipamahagi sa mga kaibigan ang mga web bookmarks mo. Pwede ka din maghanap dito ng topic na gusto mo sa pammamagitan ng mga bookmarks na nakalista dito. Karamihan sa atin ay pamilyar na sa paraang ito.
Eh yung vi.sualize.us? Kung sa del.icio.us ay puro links at webpages lang ang binubookmark nito, sa Vi.sualize.us naman ay puro pictures. Ito ay isa ding social bookmarking website na kung saan pwede mong mabookmark ang mga paboritong images/illustrations na nakita mo sa internet. Pwede mo ring maishare ang mga nabookmark mo sa mga kaibigan mo sa net. Sa Vi.sualize.us, pwede mong maisave yung image sa account mo sa loob ng 2 click lang. Pwede mo ring mai-organize ang mga ito sa pamamagitan ng tagging.



















Hunyo 2, 2008 bandang 2:54 hapon
Thanks sa tip. Ngayon pa lang ako nagsstart malaman lahat ng ito. Please share some more that will benefit newbies like me. =)
Hunyo 5, 2008 bandang 6:28 umaga
Thanks for the link, and glad you like it! Altough unfortunately I can’t understand very well the filipino!
Cheers!