Paano i-test yung Anti-Virus mo

Kapag  nakapag-install ka na ng isang anti-virus, dapat malaman mo kung nagana talaga ito o baka sira lang siya. Hindi maganda na i-test mo yung antivirus mo sa pammagitan ng pagpunta sa mga websites na mapanganib. Baka masira lang ng lobos yan kompyuter mo.

Para masubukan mo yung anti virus mo, pwede mong subukan yung file na eicar test. Nadedetect ito ng lahat ng mga antivirus na virus daw ito. Pero hindi siya naglalaman ng kahit anong viral code. Kapag nakita itong false virus ng antivirus mo, sigurado ka na.

  1. para makagawa ng isang false virus, kailangan mo lang ng Notepad sa Windows  mo. Buksan mo ito
  2. Icopy-paste mo itong code sa notepad (no spaces ha!): X5O!P%@AP[4PZX54(P^)7CC)7}$EICAR-STANDARD-ANTIVIRUS-TEST-FILE!$H+H*
  3. I save mo siya sa save as

4. Sa“Save as type” list, piliin mo yung “All files”.

5. I-type mo yung “eicar.com” sa filename. tapos piliin mo kung saan mo siya isasave.

6. Kung maayos ang antivirus mo, makikita dapat ito kaagad.

7. tatanggalin ito agad ng antivirus mo. kung walang nakita o nadetect yun, baka may sire siya o kaya’y may problema siya sa settings/ configuration nito.Kung nagawa mo na ang lahat sa antivirus mo kasama na ung reinstall pero hindi pa rin siya nakikita, palitan mo na yan.

Source: softwaretipspalace.com

Technorati tags: , ,
Posted in Tutorials. Tags: .

Leave a Reply