Bagong Apple iPhone Malapit na!

Ang Apple inc. ay nagpaplanong maglunsad ng bago at mas mabilis na bersiyon ng iPhone, ulat ng ka-partner nitong kompanya na AT&T.

Ayon kay Randall Stephenson, ang CEO ng AT&T noong nakaraang huebes, magkakaroon na ng mas mabilis at 3G version nito sa susunod na taon. Iyon lang ay hindi niya sinabi ang iba pang mga detalye tungkol dito.

Sinabi ni Steve Jobs (CEO ng Cupertino-Based Apple) na ang mga dahilan kung bakit hindi agad nai-release o na-launch sa taon na ito ang 3G iPhone nila ay dahil sa problema sa battery life nito.